= Boracay =

Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km ( 200 milya ) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga @-@ kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Kanlurang Visayas sa Pilipinas.
Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa.binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc @-@ Manoc , Balabag , at Yapak ( 3 sa 17 barangay na binubuo ng bayan ng Malay ) , at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority ( Autoridad ng Turismo sa Pilipinas ) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.